Miyerkules, Nobyembre 17, 2010

Isang Natatangi't Mabisang Solusyon

       Walang sinuman sa atin ang perpekto dito sa ibabaw ng mundo.Ika nga'y lahat tayo'y nagkakamali subalit wala tayong karapatan na sabihing tayo'y tao lamang.Ito'y sa kadahilanang tayong lahat ay espesyal, magkakapatid kung ituring sa kabila ng iba't ibang katayuan sa buhay.Wala rin tayong karapatan upang husgahan ang ating kapwa batay sa kanyang panlabas na anyo. At higit sa lahat ang pagbintangan siya ng isang bagay na masama na kailanma'y alam niyang hindi niya magagawa ay magdudulot lamang ng perwisyo sa nambintang at napagbintangan.Isa pa, higit ding mahirap makalaya sa bartolina ng konsenya dulot ng maling pambibintang.Subalit, may paraan pa ba para makaalpas?
       Tulad ng naging karakter doon ni  Aling Marta, sa kwentong "Ang Kalupi",ilan din sa ating mga kababayan  ang mahilig manghusga't mamintang.Ang masaklap pa, ang gawing ito ay maaaring magdulot ng higit na nakapangingilabot at nakapagpapalamig-pawis na kamalian.Kung alam nating tayo'y nagkamali na't handa na nating pagsisihan ang mga ito, isang  natatanging solusyon ay ang paglapit at pababalik loob sa ating Ama- sa ating Diyos.Sa kabila ng katotohanang wala nang magagawa pa ang pagluha ng dugo't pagsabi ng isang milyong beses ng patawad sa harapan ng bangkay ng ating kapwa, huwag pa rin nating alisin ang pananalig sa Diyos.Siya lamang ang makatutulong sa atin upang makalaya sa pambabagabag ng konsesya.Natitiyak kong mahal Niya tayo para magawa Niyang alisin ang damdaming ito.
     Alalahanin lamang nating ang paglitaw o pagkabuhay natin dito sa daigdig ay dahil sa Kanya.Walang sinuman sa atin ang nakatataas ang nakatataas bagkus ay pantay-pantay ang pagtingin Niya sa atin.Isa lamang ito sa mga natatangi't mabisang solusyon na alam kong makapag-aalis ng ating konsensya sa isip man o sa damdamin.Ikaw, ano ba ang iyong panlunas laban sa panlalamon ng konsensya dulot ng maling akala?

Linggo, Nobyembre 14, 2010

Isang Mabisa't Natatanging Solusyon

        Walang sinuman sa atin ang perpekto dito sa ibabaw ng mundo. Ika nga'y lahat tayo'y nagkakamali subalit wala tayong karapatan na sabihing tayo'y tao lamang. Ito'y sa kadahilanang tayong lahat ay espesyal, may pagkakaiba sa kabila ng iba't ibang katayuan sa buhay. Wala rin tayong karapatan upang husgahan ang ating kapwa batay sa kanyang panlabas na anyo. At higit sa lahat ang pagbintangan siya ng isang bagay na masama na kailanma'y alam niyang hindi niya magagawa ay magdudulot lamang ng perwisyo sa nambintang at napagbintangan. Isa pa, higit ding mahirap makalaya sa bartolina ng konsensya dulot ng maling pambibintang. Subalit, may paraan pa ba upang makaalpas?
         Tulad ng naging karakter doon ni Aling Marta, ilan din sa ati'y mahilig manghusga't mamintang. Ang masaklap pa, ang gawing ito ay maaaring magdulot ng higit na nakapangingilabot at nakapagpalamig-pawis na kamalian.Kung alam nating tayo'y nagkamali na't handa na tayong pagsisihan ang mga ito, isang natatanging solusyon ay ang paglapit at pagbabalik